
Kahit saan ka pumunta: sa mall, sa restaurant, sa parke, o kahit diyan lang sa labas ng bahay mo ay makikita mo ang kabataan na nag lalaro. Nag lalaro ng mga gadgets nila. Nag lalaro, nakatutok sa mga cellphone nila, nag tetext, o kahit ano man pwedeng gawin sa mga gadgets nila. Tila buong buhay na nila ay nag rerevolve around sa mga cellphone nila.
Patintero, Langit Lupa, Ice Ice Water, Luksong Baka, Luksong Tinik, Habulan; yan mga examples ng mga larong kinalakihan ng kabataan. Ngunit ngayon? Di na nga lumalabas sa bahay ang mga bata. Mas gusto nilang umupo sa harap ng mga laptop nila at mag laro, mag blog, mag chat, at kung ano ano pa.
.jpg)
Marami nang internet sites ang gumagawa ng ganto. Kung saan ang tao mula sa isang sulok ng mundo ay makakakilala ng isa pang tao na nasa kabilang sulok naman ng mundo. Ngayon, kapag gusto mong makipagusap sa kaibigan mo ay ipapadala mo lang siya ng isang text at ayun, pwede na kayo mag kwentuhan kahit kung hindi naman kayo mag kasama.
Dati, kapag may ibinigay na homework ay kailangan mong pumunta sa library, mag research tungkol sa lesson mo, mag basa, at talagang intindihin ang paksa. Ngunit ngayon, isang click mo lang sa internet ay malalaman mo na ang sagot agad. Di mo na kailangan gumawa ng effort para alamin ang mga kailangan mo.
Technology is making our lives easier, pero ang tanong, is it making our lives better?
-Erica Dehesa
No comments:
Post a Comment