Wednesday, 7 November 2012

Pulang Kahon




Hinukay namin ang lupa sa bakuran ni Maya na dati ay kinatatayuan ng eskwelahan namin. Di na ako makapaghintay, gusto ko na makita ang kulay pulang kahon na naglalaman ng mga alaala naming magkakaibigan noong bata pa kami. Tatlumpung taon na ang nakalipas, ang bilis talaga ng panahon. Isa na akong Flight Attendant sa PAL, si Maya naman ay isang Artista, si Tessie ay nagmamay-ari ng no. 1 shoe factory na "Tshoes", at si Lily naman ay kilalang Chef. Hindi ko akalaing magiging ganito ang buhay namin, napangiti ako sa isip na dati ay mga nene at totoy lang kaming naglalaro at tumatambay sa ilalim ng punong Narra. “Tessie, tama na nga yang pagda-daydream mo tumulong ka nga! We buried it deeper than I expected.” Sabi ni Lily sabay pag-abot sakin ng shovel. “Yes, chef! tutulong na  ‘ho!” pabiro kong sinabi.

Pagkalipas ng ilang oras bumigay din kaming lahat. Lumabas si Maya na may dala-dalang Picnic basket
“Mag merienda muna tayo friendships”
“Wow Ms. Kontrabida ang tagal na nating di tinawag ang isa’t-isa ng ganyan” sabi ni Tessie “Oo nga ancient history na yan! Pero nakakamiss sa totoo lang” dagdag ni Lily.
“Hay kung pwede lang bumalik sa dati talagang babalik ako, ah siya siya halika na kumain na tayo para matapos na natin ang trabaho!" 
Nagtinginan kaming tatlo at sabay sabi "Yes Ms. Kontrabida!" kay Maya. Nagtawanan kaming lahat at sa moment na iyon naramdaman ko ang saya pagkasama ang mga matatalik kong kaibigan.

Sa wakas ay natagpuan na ang kahong pula, sabay-sabay naming binuksan ito at binasa ang iniwan na sulat at gamit ng 17 year old version namin.

Maya:
“Hi Future me! Ang tanda ko na ata pag nabasa ito, 47 years old na wow tanda mo. Sana naman ngayon di ka na iyakin at mahiyain sa tao. I really hope lumabas ka na sa 'comfort zone' mo anyway, ang pinaka-memorable na nangyari sakin this year ay ang pagsayaw ko ng Opa Gangnam style ni Psy sa Talent Fest! Si Psy ay isang mang-aawit galing sa Korea ang kantang Gangam Style ay may pinakamaraming “likes” sa YouTube (1.56 milyon) “

Tessie:
“Benta! I don’t even know kung bakit pumayag ako sa ganito. Hmmm wala naman kase akong gusto sa buhay kundi sapatos, kaya sana sa future maging “in” paren ang mga brand na sapatos na nagbigay sakin ng kasiyahan itong taong 2012.
Tessie’s shoe list: Nike, Puma, Topsiders, TOMS, Havaianas, Crocs, Sanuk, Payless, Rusty Lopez, Hush Puppies, Primadonna, Gibi, Banana peel, Converse, Vans, Kickers, Skechers, and Ecko

Lily:
Hi Big Lily alam mo ba during dismissal dumadayo tayo sa iba't-ibang milk tea place. Andami ko na nga nating napuntahan eh sa wilson man o sa kapitolyo. MADAMI! Wait, ito ang listahan ng milk tea places na napuntahan na nating as of November 2012: Serenitea, Happy Lemon, Bubble Tea, Teatap, Moonleaf, Tearrific, Gong cha, Cha dao, Chatime, BubbaTea Licious, Tea Zone, Saint's Alp, Bon Appetea, Sip, Share Tea

Pu:
Dear. Pu, wait di ko talaga alam sasabihin sa sarili ko.. um magpakabait ka? joke lang! Unang una sa lahat, dapat hindi mo makakalimutan si Lily, Tessie, at si Maya. Sila ang BFFs mo sa buong mundo! Wag na wag mo silang ibabalewala ok? Sana paglaki niyo ay magkakasama paren kayo. Ang pinakamahalaga sakin ngayon? Iphone and Blackberry! Itong dalawang bagay ang buhay mo ngayon. Ito ang ginagamit sa pag-contact mo, pag-organize ng mga schedules, at panggamit mo sa social network kagaya ng: Twitter, Facebook, and Tumblr.


Natawa kami sa itsura namin pagkatapos naming basahin ang mga liham at pagmasdan ang mga naiwang cd, coupons, at listahan ng mga dreams and wishes namin noong 17 years old palang kami. Lahat kami ay napaiyak sa tuwa at lungkot na ni minsan ay hindi namin naisip na ang mga bagay na ito ang mahalaga sa amin noon. Nagyakapan kami lahat at nagpromise na hindi namin makakalimutan ulit ang mga little things na ito at nagpasyang gumawa ulit ng Time Capsule na bubuksan namin pag 77 years old na kami.

-Bianca "Pu" Pujalte

No comments:

Post a Comment