Tuesday, 27 November 2012

PhOoU2zs3Z



Para kang straw. Sipsip! I have kwento... Cheneses gora! I made tusok tusok the fishball. Txt m3 Pho0u2z3s.

 Wika ay ang ginagamit para sa komunikasyon. Ito ay para maiintidihan ang mga tao ang mga mensahe o kahit anong gusto mong ipahiwatig sa kanila. Ito ay para hindi tayo magkagulo sa hindi nating naiintidihan. Bawat salita ay maaring isang matulis na espada o kaya’y mas mapurol pa sa martilyo. Ganito ang kakapangyarihan ng isang wika.

Naniniwala ako na ang panahon ngayon ay may pagkamalikhain sa paggamit ng mga salita; sa paglalaro ng mga lengwahe hanggang sa paggawa ng mga bago. Ang mga salita ay nagbabago ngayon; nakakalito man ito o nakakainis. Nakakapag-tugma ito o ginagamit ng mga tunog. Ang isang halimbawa nito ay, "you are the toyo to my siomai, you are the highlands to my tagaytay." Isa pang halimbawa nito ay, "sinong goddess ang sobrang sweet? Edi si Ar-Temis!" Nakiki-ugnay din ito sa mga salitang Ingles. Dahil dito at dahil sa pagkamalikhain na tao, marami na ang mga kakaibang bagong lengwahe at salita ang Filipino: Gay-lingo, Becky, Conyo, at marami pang iba. Lahat ng ito ay nag-uugat sa mga salita at tunog ng Tagalog. Isang halimbawa ng Gay-lingo ay, "chu chu chorva, chenes churvacheneses choovalu chenes calachuchi." Sa Becky naman ay, "gora keribells." Sa conyo naman ay, "has to make ulit ulit the word and add nohh like, diba?"

Ang Jeje naman ay itinuturing bagong wika na. Pwede nga ipalit ang "Language Settings" mo sa Facebook na magiging Jeje. Ito ay sinisira ng wikang Tagalog at Ingles dahil ginagamit nito ang iba’t ibang mga simbolo at numero na dapat hindi gamitin sa salita. Wala na tuloy ang pwedeng kahulugan nito. Wala ang pagkatalino o isip. Nakiki-epal lang ang mga simbolo at numero sa mga magagandang salita ng wika.


Alam ko na na nagtataka kayo kung bakit ko ito nasulat at kung bakit ko ito isinasaad. Gusto kong maiisip niyo ang tunay na pagaling ng wika at ang ating pambansang wika. Sa simpleng salita, tungo sa panibagong wika: hindi ko masasabing maganda ito o hindi, pero alam kong sumosobra na ito. Ang paglalaro sa mga salita ay mahusay pa rin. Ang Becky at Gay-lingo ay tatanggap ko pa dahil ginagamit ito para sa katuwaan ng mga tao lamang. Ang Conyo naman ay hindi pwedeng tanggapin dahil sa kawalan ng respeto sa ating pambansang wika, ngunit, ang Jeje naman ay nakakabastos at nakakainsulto. Ang "pag-tetext" gamit ang jeje ay nakaka-apekto sa pagsasalita ng mga tao. Kapag ito ay nakaka-apekto sa inyong pagsasalita at pag-iisip ng logical, makakasira ito sa abilidad mo sa komunikasyon.

Sinusulat ko ito para maisip niyo ang nakaraan; para maisip niyo ang kasaysayan ng Pilipinas. Diba lumaban tayo para sa kalayaan? Naglaban tayo para sa ating pagka-Pinoy; para sa ating wika. Sinusulat ko ito para mahalagahin niyo ang ating wika. Isipin niyo ang kinabukasan. Anong mangyayari sa ating komunikasyon? Ang pagkasira ng isang wika ay ang pagpatay sa isang kultura. Kung wala ito, Wal4nG fe~~82oJF oif0...H F8 n8f nF#H8 Nd sd9-

- A. Amor

No comments:

Post a Comment